Tingnan
bg-orb

Ulat ng Consumer Social Intelligence 2023

Mga Pangunahing Paksa

Pilipinas    |   01 Aug 2023 - 30 Sept 2023

Ulat ng Consumer Social Intelligence 2023

Payment methods

Mga Paraan ng Pagbabayad

Dahil sa seguridad at convenience, pinipili ang app-based na pagbabangko kaysa sa mga pagpunta sa branch.

2.6k

Mga post

Ipinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular na paraan ng pagbabayad at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat paraan. Kasama ang mga Pag-share/Pag-retweet.

Natutunan

  • Dumami nang 16% ang mga usapan tungkol sa credit card noong Agosto – Setyembre kumpara noong Mayo–Hunyo, na may halos 1.5K mention. Katumbas ito ng 57% ng lahat ng usapan tungkol sa Mga Paraan ng Pagbabayad.

  • Ang pagdami ng mga post tungkol sa credit card ay dahil sa pagdami ng mga usapan sa mga forum at sa Reddit, kung saan mas masigla ang mga pag-uusap kaysa sa Twitter dahil sa long-form na format. Nanghingi ang mga user ng payo tungkol sa kung paano gumamit ng mga credit card nang may pagtuon sa seguridad ng transaksyon. May mga idinulog na alalahanin tungkol sa kawalan ng mga kahingian sa PIN, at mas pinili ng mga user ang mga credit card kaysa sa mga debit card, at binigyang-diin nila ang mas magagandang panseguridad na feature ng mga ito.

  • Binigyang-diin ng mga feedback ng mga customer sa mga bangko ang pangangailangan ng mga convenient na protocol para sa seguridad. Ikinatuwa nila ang awtomatikong pag-block ng transaksyon kung sakaling may mga kahina-hinalang aktibidad, pero nagpahayag din sila ng pagkadismaya, lalo na tungkol sa mga kasunod na bayarin at kahirapan sa pagbabayad. Para sa mga user, nakakasagabal ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga bangko at hinikayat nilang mag-integrate ang mga bangko ng mga praktikal na alternatibo, gaya ng in-app na opsyon sa pag-lock at pag-unlock ng card.

  • Kapag pumipili ng bangko, pinapahalagahan ng mga dayuhang nakatira sa Pilipinas ang convenience, hindi mabusising proseso, murang bayarin, at mga secure at online na pag-transfer ng currency. Iminungkahi ng ilan na pumili ng mga lokal na branch ng mga bangkong ginagamit nila sa pinagmulang bansa nila, pero tinukoy ng iba ang mga hamon sa pagpapaapruba at mga pagkakaiba sa mga serbisyo at pamamaraang panseguridad. Dahil dito, inirekomenda nilang gamitin ang mga mas versatile na e-wallet at online na bangko, pati na ang mga tradisyonal na bank account.

Mga trending/lipas nang salita at parirala – Mga Paraan ng Pagbabayad mula Agosto ‘23 – Setyembre ‘23

Fading

Trending

Ipinapakita ng word cloud na ito ang mga pinakakaraniwang salita at parirala mula sa yugto ng panahong ito. Kapag mas malaki ang salita/parirala, mas madalas itong lumabas sa paglipas ng panahon. Ang mga salita/parirala sa kaliwa ay "lipas na" (hindi na masyadong ginagamit) at ang mga nasa kanan ay "trending" (mas ginagamit).

Ang Sinasabi ng mga Tao

"Ganyan din ang sitwasyon ko ilang taon na ang nakalipas. Ayaw kong gumamit ng mga credit card at mas gusto ko ang cash. Gayunpaman, dahil nag-aalinlangan at natatakot din akong gumamit ng debit card para sa mga online na transaksyon, naging nakakasagabal na ito. (…) Nagdaragdag din ito ng proteksyon laban sa panloloko dahil credit card ito, hindi tulad kapag ginamit mo ang debit card mo kung saan puwedeng makompromiso ang lahat kung mananakaw ang data mo.Kung mayroon ka pang mensahe o kailangan mo pa ng tulong, huwag mag-atubiling magsabi, at narito ako para tumulong."

"Natutulog ka nang mahimbing, pero nang gumising ka, nakakita ka ng mahigit 60 hindi matukoy na transaksyon sa credit card mo mula sa ibang bansa. Ano’ng nangyari?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa Online Banking mobile app at website ng bangko ko

Kailangan ng lintik na app ng password na may special character na HINDI KAYANG TANGGAPIN at AYAW TANGGAPIN ng lintik na website!"

"Sharry, naranasan ko ito halos isang buwan na ang nakalipas sa mismong merchant na iyan. Nag-file lang ako ng reversal sa bangko ko. Halos 14K ang nabawas sa account ko, pero naibalik din ito pagkatapos ng mga isa o dalawang linggo."

Ulat ng Consumer Social Intelligence 2023

Payment methods

Mga Uri ng Panloloko​

Habang mas nagiging advanced ang teknolohiya, ikinakatakot ng mga consumer ang mga lumilitaw na banta sa seguridad ng credit card..

1.3k

Mga post

Ipinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular na uri ng panloloko at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat uri. Kasama ang mga Pag-share/Pag-retweet.

Natutunan

  • Ang pagkawala o pagnanakaw ng card ang pinakalaganap na alalahanin sa pag-uusap tungkol sa Mga Uri ng Panloloko, na katumbas ng 41% ng mga post at mention. Nanghingi ang mga user ng payo mula sa mga bangko tungkol sa pangangasiwa ng card at binigyang-diin nila ang panganib ng pagkuha ng mga magnanakaw ang data ng card. Isa ring alalahanin ang pagkawala ng telepono dahil sa mga  awtorisasyon sa mobile na transaksyon, na nag-udyok ng mga suhestyong paigtingin ang seguridad ng SIM card.

  • Laganap din ang mga usapan tungkol sa identity theft/phishing na katumbas ng 38% ng lahat ng mention. Nakatuon ang mga ito sa data theft sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga financial institution sa pamamagitan ng iba’t ibang channel, gaya ng social media, mga pagtawag sa telepono/SMS at mga email. Binalaan ng mga user ang isa’t isa laban sa pagbubunyag ng anumang personal na data, PIN, o mga One Time Password (OTP) sa mga hindi awtorisadong source.

  • Ang mga usapan tungkol sa pagkawala ng card at identity theft ay indikasyon ng pagtaas ng generic/iba pang panloloko, na nagpapahiwatig ng paglitaw ng mga bagong banta. Sa isang diskarte, nilinlang ng mga scammer ang mga online seller sa pag-refund ng mga pekeng sobrang bayad o pagbabayad ng mapanlokong bayarin na pinagmukhang bayarin sa pag-upgrade sa pang-negosyong account. Isinagawa ang business account fraud sa pamamagitan ng isang email na nagpapanggap bilang PayPal, na nag-udyok sa mga user na “mag-upgrade sa pang-negosyong account” para padaliin ang kanilang mga transaksyon. Kapag alam nila ang mga panganib na nauugnay sa mga pekeng resibo ng pagbabayad, posibleng maiwasan ng mga consumer ang mga direktang pag-transfer sa bangko o platform na hindi nila pinagkakatiwalaan. Marami ang pumipili sa mga karaniwang paraan gaya ng mga credit card at gateway na may maigting na proteksyon laban sa panloloko. Mukhang napalakas ng mga SMS at e-mail notification o in-app confirmation  pagkatapos ng isang transaksyon ang tiwala ng consumer sa pamamagitan ng pag-verify ng mga tunay na pagbabayad at pagdaragdag ng seguridad.

  • Nagpahayag ang mga consumer ng alalahanin tungkol sa mapanlokong paggamit ng mga advanced na teknolohiya, gaya ng AI-powered na pag-decipher ng data ng credit card. Karaniwang nagta-transfer muna ang mga scammer ng maliliit na halaga para subukan ang validity ng card. Naging mas malalaking kawalan ang mga trial na transaksyong ito kung hindi made-detect nang maaga ang mga ito. Ibinahagi ng mga user ang kanilang mga karanasan para magbigay-kaalaman, at hinikayat nila ang mga issuer at customer na manatiling alisto sa mga kahina-hinalang transaksyon.

  • Nagkaroon ng mga alalahanin tungkol sa mga sweeper bot sa mga finance at cryptocurrency forum, na awtomatikong nagde-detect at nagnanakaw ng pondo mula sa mga vulnerable na digital wallet. Ayon sa usapan, pinakamalaking banta ang mga ito sa mga user ng cryptocurrency. Gayunpaman, puwedeng i-target ng mga automated na tool na idinisenyo para samantalahin ang mga vulnerability ang iba’t ibang online ecosystem at puwede itong maging alalahanin para sa sinumang nagbabayad online. Nanghingi ang mga tao ng kaalaman at payo tungkol sa bagong banta. Kasama sa mga rekomendasyon ang paggamit ng mga hardware wallet, pag-iwas sa mga kaduda-dudang download, at pagprotekta sa sensitibong personal na impormasyon.

Mga trending/lipas nang salita at parirala – Mga Uri ng Scam mula Agosto ‘23 – Setyembre ‘23

Fading

Trending

Ipinapakita ng word cloud na ito ang mga pinakakaraniwang salita at parirala mula sa yugto ng panahong ito. Kapag mas malaki ang salita/parirala, mas madalas itong lumalabas sa paglipas ng panahon. Ang mga salita/parirala sa kaliwa ay "lipas na" (hindi na masyadong ginagamit); ang mga nasa kanan ay "trending" (mas ginagamit).

Ang Sinasabi ng mga Tao

"Mag-ingat sa susunod. Takpan ang iyong CVV. Kung nag-aalala kang posible itong magamit sa maling paraan, alam kong puwede kang humiling ng pamalit sa iyong debit/credit card. Bastos lang talaga ang ilang tao; nakikita nila ito, pero nakikialam pa rin sila."

"Literal na sinasabi ng mga digital wallet na huwag na huwag ibahagi ang iyong OTP kapag ipinapadala nila ang OTP. Lumalabas din ang mensahe kapag inilalagay mo ang iyong MPIN sa App."

"Tila ginagamit ng mga scammer ang lahat ng pagkakataon para manlinlang ng mga tao. Kung kaya, puwedeng maapektuhan ang reputasyon ng mga e-wallet at iba pang pinansyal na serbisyo dahil sa mga pagkilos nila."

"Hindi ko pa ito nararanasan, kaya nagpasya akong saliksikin kung ano ang sweeper bot na ito. Ito ang awtomatikong pag-transfer ng pondo sa isang wallet mula sa isa pang wallet. Nakakayamot talaga ito, lalo na kung ang apektadong wallet ay may mga token na naka-stake sa DeFi dahil halos garantisadong maglalaho ang savings mo. Salamat sa pagpapaalam sa akin nito at sa kung paano ito labanan."

Ulat ng Consumer Social Intelligence 2023

Payment methods

Pagpigil sa Panloloko​

Ang SIM Registration Law ay itinuturing na mahalagang hakbang para matugunan ang cybercrime, pero inaasahang magkakaroon ng mga karagdagang pagkilos.

0.5k

Mga post

Ipinapakita sa chart ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular na paraan ng pagpigil sa panloloko at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat paraan. Kasama ang mga Pag-share/Pag-retweet.

Natutunan

  • Sa pag-uusap tungkol sa Pagpigil sa Panloloko, nakatuon ang 70% ng post sa data privacy. Noong nag-post ang mga customer ng mga tanong sa social media, binanggit ng mga bangko ang Data Protection Act at idinirekta nila ang mga customer sa mga mas secure na channel. Nagsagawa rin sila ng mga campaign na nagbibigay-kaalam kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng  proteksyon ng data.

  • Sa pag-uusap tungkol sa pagtugon sa panloloko, nagpetisyon ang isang ahensya ng pamahalaan para sa mas malaking pondo para labanan ang cybercrime matapos mabiktima ng mga scammer ang isang natutukoy na indibidwal. Dahil dito, nagkaroon ng debate sa social media [1], kung saan pinuri ng ilan ang pag-uudyok para sa mas maigting na pagpapatupad ng batas at itinuring nilang hindi sapat ang SIM Registration Law. Ipinahayag ng iba na sapat ang mga kasalukuyang pamamaraang panseguridad at hindi lang talaga maalam ang mga nagbahagi ng mga OTP.

  • Ipinahayag ng isang ahensya ng pamahalaan na napakadaling magparehistro ng SIM card gamit ang pekeng ID, kung kaya, nagkaroon ng mga tanong tungkol sa kamakailang inilunsad na SIM Registration Law. 

  • Ipinagbigay-alam ng mga bangko at e-wallet provider sa mga user ang iba’t ibang isyu kasama ang mga panganib na nauugnay sa mga device na nagbibigay sa isang user ng hindi nililimitahang kontrol sa lahat ng function at software ng device. Kadalasang ginagawa ito ng mga consumer para i-customize ang mga device nila, pero nakokompromiso nito ang kanilang seguridad. Nagbahagi ng payo sa mga campaign na nakatuon sa customer at sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng mga consumer sa social media.

Mga trending/lipas nang salita at parirala – Pagpigil sa Panloloko mula Agosto ‘23 – Setyembre ‘23

Fading

Trending

Ipinapakita ng word cloud na ito ang mga pinakakaraniwang salita at parirala mula sa yugto ng panahong ito. Kapag mas malaki ang salita/parirala, mas madalas itong lumalabas sa paglipas ng panahon. Ang mga salita/parirala sa kaliwa ay "lipas na" (hindi na masyadong ginagamit); ang mga nasa kanan ay "trending" (mas ginagamit).

Ang Sinasabi ng mga Tao

"Kumikita ang mga telecom company ng bilyon-bilyon kada taon, pero tila hindi nila magawang mamuhunan sa Artificial Intelligence (AI) para mapigilan ang mga hindi awtorisadong pagpaparehistro ng SIM card. Para bang walang halaga ang pagpaparehistro ng SIM card. Paalala lang, dapat ay pangunahing priyoridad para sa management ang cyber security." 

"Maaasahan at ligtas ang lahat ng bangko. Piliin lang ang malalaking bangko."

"Makipag-ugnayan o pumunta sa pinakamalapit na awtorisadong service center ng device para mapatingnan ang iyong device at matiyak na nasa maayos na kundisyon ito."

"Iwasang gumamit ng mga na-jailbreak na device para maiwasang mawalan ng mga panseguridad na feature ang iyong device. Kinakailangan ito para maprotektahan ang account laban sa mga scammer at virus."

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Your message sent successfully!

Message Submitted!

We'll get back to you promptly with a response.