Paghahambing sa
Agosto – Setyembre 2023 At Mayo – Hunyo 2023
Ang kabuuang bilang ng mga pag-uusap tungkol sa kaligtasan at seguridad sa Pilipinas ay nasa magkatulad na trend noong Agosto – Setyembre at noong Mayo – Hunyo. May 12.1K post noong Mayo – Hunyo kumpara sa 11.3K noong Agosto – Setyembre. Dumami ang mga pag-uusap noong nakaraang panahon dahil sa pagdami ng mga pag-uusap tungkol sa pagkakaproblema ng isang kilalang e-wallet sa operasyon noong Mayo. Sa kabilang banda, noong Agosto – Setyembre, may ilang mas maliliit na tema. Naglunsad ang isang kilalang e-wallet ng mga in-app notification kapalit ng mga SMS security check, binalaan ng mga K-pop fan ang isa’t isa tungkol sa isang scam, at napatanong ang mga user tungkol sa mga feature na gusto nila dahil sa paglulunsad ng bagong app ng isang bangko. Kadalasan, hiniling ng mga consumer ang kakayahang gamitin ang kanilang mobile banking para sila mismo ang mag-lock ng mga card nila.
Dumami nang 10% ang pag-uusap tungkol sa Mga Paraan ng Pagbabayad noong Agosto – Setyembre. Dumami ang pag-uusap tungkol sa lahat ng paksa (mga credit card, debit card, CNP at prepaid card), maliban sa mga digital wallet at online bank transfer. Naging dahilan ng pagdaming ito ang pagdami ng mga usapan sa mga longer-form na social media channel tulad ng mga forum at Reddit.
Bumaba sa 1,315 mula 2,028 post ang mga pag-uusap tungkol sa Mga Uri ng Panloloko (-35%). Ito ay dahil sa hindi pangkaraniwang dami ng mga post tungkol sa mga hindi awtorisadong transaksyon sa isang kilalang digital wallet noong Mayo – Hunyo. Habang unti-unting naging hindi na matunog ang pag-uusap na ito noong Agosto – Setyembre, nakita rin ito sa mga kabuuang dami. Nabawasan ang mga pag-uusap tungkol sa lahat ng partikular na uri ng panloloko (identity theft/phishing, mga nawala/nanakaw na card at card cloning), at bahagyang dumami lang ang mga pag-uusap tungkol sa paksang “Iba Pang Panloloko.”
Dumami ang mga pag-uusap tungkol sa Pagpigil sa Panloloko nang 21%, na pangunahing dulot ng pagdami ng pag-uusap tungkol sa data privacy. Ito ay karaniwang dahil sumagot ang mga bangko sa mga tanong ng mga customer sa pamamagitan ng pagbanggit sa Data Protection Act sa mga sitwasyon kung saan nagbahagi ang mga user ng personal na impormasyon sa social media. Isa pang pangunahing paksa ang paggamit ng mga naka-root (na-jailbreak) na telepono. Ayon sa mga report, nilimitahan ng mga bangko ang access sa mobile banking sa mga naturang device dahil sa mga alalahanin sa seguridad. Sa kabaligtaran, nadismaya rito ang mga consumer at para sa kanila, hindi nito pinahalagahan ang personal nilang kagustuhan.