KALIGTASAN AT SEGURIDAD​

Ulat ng Consumer
Social Intelligence 2023

Pilipinas    |   01 Aug 2023 - 30 Sept 2023

Mga Layunin ng Report​

Gumagamit ng social big data ang Consumer Social Intelligence Report ng Safety and Security para magbigay ng mga insight ng consumer tungkol sa mga pinansyal na pagbabayad na nauugnay sa mga bangko at card issuer sa Southeast Asia. Tinutukoy nito ang mga trend, pangangailangan at partikular na problema.

Pagkuha
ng Data

Pagpapakilala

Gumawa kami ng mga paghahanap para makuha ang mga online na pag-uusap na nakatuon sa kaligtasan at seguridad sa konteksto ng mga pagbabayad (mga credit card, debit card, digital wallet, atbp.). Gamit ang aming search query, nangalap kami ng mga social media post tungkol sa iba’t ibang paksang nauugnay sa kaligtasan at seguridad ng pagbabayad.

Kasama rito ang mga news article at pag-uusap sa social media tungkol sa mga scam at mapanlokong gawain, mga alalahanin ng consumer tungkol sa seguridad, at mga inisyatibang sinimulan ng mga bangko at iba pang institusyon para malabanan ang panloloko.

Mga Wika: Sinuri namin ang mga pag-uusap sa Tagalog at English. Gumamit ng mga filter para mabawasan ang spam at content na may mababang kalidad.

Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga publicly available na online na pag-uusap mula sa mga sumusunod na channel:

Online News/Blog including spot.ph, gizguide.com, inquirer.net; Forums including Bitcointalk.org (PH section), istorya.net/forums, Expatforum.com, Pinoyexchange.com.

Dami
ng Data

Ang mga pag-uusap ng consumer sa dami ng mga mention


11.3k mention

tungkol sa kaligtasan at seguridad ng digital na pagbabayad ang nakalap.

Mga Pangunahing Paksa​

Gumawa ng mga karagdagang paksa para pagtuunan ang mga partikular na aspeto ng mga pag-uusap tungkol sa kaligtasan at seguridad.

Ang mga pag-uusap na ito ay hinati sa mga kategorya at subcategory batay sa mga pangunahing paksa ng interes upang mapadali ang pagsusuri ng mga uso at pangunahing tema. Kasama sa mas malalim na pagsusuri ang mga sumusunod na paksa (na may mga halimbawa):

Kasama rito ang mga pag-uusap kung saan may binabanggit na mga partikular na paraan ng pagbabayad, halimbawa, mga credit card o digital wallet.

Mga Subcategory: Mga Credit Card, Mga Debit Card, Mga Digital Wallet, Online Bank Transfer, Card-not-Present, Mga Prepaid Card.

Kasama rito ang mga pag-uusap na nauugnay sa mga partikular na paraan ng panloloko (gaya ng phishing), mga pangkalahatang alalahanin tungkol sa mga nawala at nanakaw na card at mga generic na pagbanggit sa payment fraud.

Mga Subcategory: Identify Theft at Phishing, Mga Nawala/Nanakaw na Card, Card Cloning, Generic/Iba pang Panloloko

Kasama rito ang mga pag-uusap tungkol sa mga pagkilos na ginawa ng mga bangko, institusyon, at consumer para labanan ang panloloko, halimbawa, pagpapahusay sa data privacy at iba pang pamamaraan.

Mga Subcategory: Mga Secured na Paraan ng Pagbabayad, Data Privacy, Pagtugon at Pagresolba sa Panloloko, Edukasyon at Kamalayan ng Consumer

Mga Hindi Kasamang Paksa:

Ang search query na ‘kaligtasan at seguridad’ ay nauugnay sa iba’t ibang paksang nauugnay sa pagbabayad. Marami sa mga pag-uusap na kasama sa pangunahing paghahanap ay hindi mapapabilang sa mga category na inilista sa itaas, na pinagbatayan ng aming detalyadong pagsusuri. Kasama rin sa nangungunang paghahanap ang mga institusyonal na anunsyo tungkol sa mga isyu sa kaligtasan at seguridad, mga pampublikong customer interaction na nauugnay sa mga pagbabayad, mga pag-uusap ng consumer tungkol sa mga pangkalahatang alalahanin sa kaligtasan, mga pagbanggit sa mga alternatibong paraan ng pagbabayad (hal., cryptocurrency), mga pag-uusap tungkol sa mga ATM att pagbabayad ng cash, mga pag-uusap tungkol sa mga pangkaligtasang feature ng telepono at app, mga problema at bayarin sa paggamit ng card o pagbabayad.

Pana-panahong sinusuri at ina-update ang mga pagpapakahulugan sa paghahanap para sa pangunahing query at mga subcategory para maipakita ang mga bagong termino (hal., mga bagong uri ng mga scam), kung kaya, magbabago ang mga dami.

Alinsunod sa mga tuntunin at kundisyon ng mga social network kung saan namin kinakalap ang karamihan sa data, kailangang alisin sa online platform ang mga post ng user kung ide-delete niya ang isang post o kung made-delete/masususpinde ang account niya. Samakatuwid, palaging mayroong maliit na pagkakaiba sa mga bilang na ipinapakita sa mga chart sa nakasulat na report kumpara sa dashboard view.

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Your message sent successfully!

Message Submitted!

We'll get back to you promptly with a response.

Disclaimer: Naglalaman ang dokumentong ito ng non-binding na mga tuntunin at kundisyon para sa posibleng kasunduan sa pagitan ng inyong organisasyon (“Kumpanya”) at ng Mastercard. Hindi ito alok o commitment ng Mastercard na makipagnegosasyon o makipagkasundo batay sa mga tuntuning inilalarawan sa dokumentong ito. Maaaring umatras ang Mastercard at/o Kumpanya sa mga usapan anumang oras nang walang pananagutan o iba pang obligasyon sa kabilang panig, maliban kung hindi mapapanatali ang pagkakumpidensyal ng dokumentong ito at mga nilalaman nito. Ang mga pinal na tuntunin ng anumang kasunduan, kasama ang mga karagdagang standard na tuntunin at kundisyon, sa pagitan ng Kumpanya at ng Mastercard ay ipapaloob sa kongklusibong kasunduan na sinang-ayunan at nilagdaan ng awtorisadong kinatawan ng Kumpanya at ng Mastercard.

Ang impormasyon sa dokumenting ito ay kumpidensyal at pagmamay-ari ng Mastercard at hindi maaaring isiwalat sa anumang third party o gamitin ng Kumpanya o mga affiliate nito para sa anumang layunin maliban sa suriin ang mga tuntunin at kundisyon ng negosyo ng posibleng kasunduang inilalarawan sa dokumentong ito. Ang impormasyon sa dokumentong ito o sa anumang report o deliverable mula sa Mastercard kaugnay ng posibleng kasunduan na nauugnay sa inaasahang epekto sa financial performance ng Kumpanya, o ng mga resultang posibleng asahan ng Kumpanya ay mga pagtatantya lang. Hindi iginagarantiya na makakamit ang alinman sa mga pagtataya, pagtatantya o inaasahang ito, o walang pagkakamali sa pagsusuring ibinigay