Ang tema ng mga scammer na nagpapanggap bilang mga bangko para kumuha ng personal na impormasyon ang pinakapinag-usapan sa pagnanakaw/phishing (38% ng mga pag-uusap tungkol sa Mga Uri ng Panloloko). May iniulat na phishing sa pamamagitan ng SMS/telepono, pati na rin mga scam ng pekeng email ng bangko – at nagbabala ang mga bangko tungkol sa mga ito. Hindi naka-target ang mga scam na ito sa anumang partikular na grupo.
Puwedeng magpatakbo ang mga bangko ng mga campaign sa social media at email na nagbibigay sa mga customer ng mga tagubilin sa kung paano i-verify na tunay ang mga komunikasyong natatanggap nila. Dapat ay maipaalam din ng content sa mga user kung ano ang gagawin kung nag-aalala silang hindi tunay ang mga komunikasyong natanggap nila. Isa pang posibleng layunin ng mga campaign na ito ang pagtitiyak sa mga user ng mga pagkilos na isinagawa para hindi matanggap ng mga scammer ang kanilang mga detalye.
Maipapaalam ng mga bangko at financial institution sa mga tao kung paano tukuyin ang mga posibleng mapanganib na komunikasyon. Puwede rin nilang ipaliwanag ang mga karagdagang pamamaraang panseguridad na ipinapatupad sa likod ng mga eksena para matiyak na napapanatiling ligtas ang mga detalye ng mga customer.
Kumuha ng higit pang Impormasyon
Form ng Feedbac
Ikalulugod namin kung masasagutan mo ang form para mapaganda ang karanasan sa ulat.